UMABOT na sa 219, 784 o 98. 30 percent ng mga tauhan ng Philippine National Police ang nabigyan na ng booster shot laban sa COVID-19.
Matatandaang sinabi ni PNP public information office Chief BGen. Roderick Augustus Alba na sinisikap ng PNP na makumpleto ang pagbibigay ng booster shot sa kanilang mga tauhan na fully vaccinated bilang karagdagang proteksyon.
Aniya ito ang dahilan kaya nakamit na ng PNP nitong mga nakaraang linggo ang kanilang target na zero COVID cases.
Pero, mayroon pa rin aniyang pa-isa-isang iniuulat na bagong kaso ng COVID-19 ang PNP mula noong nakaraang linggo.
Ngayong araw, batay sa ulat PNP Health Service ay walang bagong kaso ng COVID-19 ngunit may isang aktibong kaso sa hanay ng PNP.
Mula ng magsimula ang pandemya, nasa 48,863 na ang tauhan ng PNP na tinamaan ng COVID-19, kung saan 48,733 ang naka-rekober at 129 ang nasawi. REA SARMIENTO