MAHIGIT sa 21,000 mga bagay na ipinagbabawal sa sementeryo ang nakumpiska ng Philippine National Police (PNP) sa panahon ng Undas.
Sa ulat ng PNP National Operation Center, apat na sachet at apat na baril ang nakumpiska.
May 16,000 patalim at mahigit 3,000 bote ng alak ang nakumpiska.
May 315 gambling materials at mahigit 100 piraso ng karaoke ang nakumpiska nang tangkaing ipasok sa mga sementeryo.
Mananatiling nakaalerto ang mga kagawad ng pulisya hanggang ngayong araw ng Linggo upang magbigay ng seguridad sa mga mag-uuwian matapos ang ilang araw na bakasyon.
Mahigit 20,000 mga pulis ang idineploy para tiyaking magiging payapa at ligtas ang paggunita ng Undas.
Comments are closed.