22-ANYOS NAG-UWI NG P303.5-M JACKPOT MULA SA COLOR GAME

NAKAPAG-UWI ng tumataginting na P303.5 milyong jackpot ang isang manlalaro matapos makuha ang jackpot prize sa Casino Plus dahil sa pagpusta lamang ng P50.

Sa isang press confe­rence, sinabi ni Casino Plus CEO Evan Spytma na ang naging tagumpay ng manlalaro ay nagtatampok din ng pangako ng platform sa transparency at pagiging patas sa mga operasyon nito.

Kilala ang Casino Plus sa mahigpit nitong mga pamantayan sa pagpapatakbo at dedikasyon sa pagprotekta sa mga karapatan ng gumagamit nito.

Ito rin ay kinikilala ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at ang isa sa mga laro ng Casino Plus ay ang Color Game kung saan nagwagi ng milyong-milyong halaga ng piso ang 22 taong gulang na babaeng player.

Ayon sa jackpot winner, malaki ang mababago sa kanyang buhay sa napakalaki niyang premyo at ang uunahin niyang paglalaanan ng napanalunan ay bahay at lupa para maging secure din ang  kanyang pamilya.

Nais din niyang tulu­ngan ang ilang nanga­ngailangan kasabay ng kanyang pasasalamat sa Panginoon dahil sa hindi niya inaasahang suwerteng makakamit sa pagtaya lamang niya ng halagang P50.

Pinoproseso ang bawat taya at bawat panalo sa pamamagitan ng transparent at bukas na mga pamamaraan, at tinitiyak na ang bawat taya at bawat panalo ng lahat ng mga manlalaro dumaraan sa patas na pamanaraan.

 Higit na nagpapatibay ang pinakabagong jackpot na ito sa Casino Plus bilang isang pinagkakatiwalaang platform para sa mga guma­gamit nito.

Bilang karagdagan sa online platform nito, ipinagmamalaki rin ng Casino Plus ang mga pisikal na hotel at resort, na nagbibigay sa mga customer ng komprehensibong serbisyo at high-end na mga karanasan sa entertainment.

Sinabi ni Spytma na ang pagiging transparent ng kanilang platform ang nag-uudyok sa mga manlalaro ng Casino Plus na tumaya ng tumaya ng malaki dahil sa napakalaki ring premyo nito na nakakagiliwan ng mga players.

Kasabay ng ceremonial awarding , binati ni Spytma ang jackpot winner at pi­nayuhan na i-enjoy lamang ang kanyang napanalunan.

CRISPIN RIZAL