22 BARANGAY NABIYAYAAN NG IBA’T IBANG GAMOT

BULACAN- DALAWAMPUT’ DALAWANG barangay sa iba’t ibang bayan ng lalawigang ito ang napamahagian ng mga gamot ng Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO) at idinaan sa tanggapan ni Governor Daniel Fernando kamakailan.

Sinabi ni PCSO Provincial Manager Chyntia Amelia Rigudo sa pamamagitan ng governors office sila ang nag identified ng mga barangay na lubang nangangailangan ng gamot at vitamins.

Aniya, inisyal pa lamang ito sa unang batch ng tulong ng kung saan parating na rin ang mga abulansiya para sa mga barangay.

Ilan sa mga nabigyan ng libreng gamot ang mga bayan ng Sta. Maria, Guiguinto,Malolos City ,Baliwag Plaridel, Hagonoy at iba pa.

Kabilang naman sa nakatanggap ng gamot ay ang Barangay Telapayong sa bayan ng Baliuag.

Samantala nagpasalamat naman si Fernando, sa pamunuan ng PCSO sa pagbibigay ng libreng gamot na malaking tulong sa mga Bulakenyo. THONY ARCENAL