QUEZON CITY – NAARESTO ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa ilalim ni Director, Brigadier General Joselito Esquivel Jr. ang pagkakaaresto ng 33 drug suspect sa kasalukuyang anti-illegal drug at anti-criminality operations.
Una na rito ang pagkakaaresto ng Talipapa Police Station (PS 3) sa ilalim ni PLTCOL Alex Alberto sa buy bust operation kay Warlito Roco Jr., ng Brgy. Baesa.
Nakuha mula sa mga suspek ang dalawang pakete ng shabu at ang buy-bust money na ginamit sa operasyon.
Habang sa Novaliches Police Station (PS 4) sa ilalim ni PLTCOL Rossel Cejas ay naaresto rin ang dalawang menor.
Naaresto rin ng mga tauhan ng PS 4 dalawang suspek na ang isa ay nakuhanan ng shabu.
Arestado rin ng PS 4, ang isang taga-Tondo, Manila na nakuhanan ng shabu.
Karagdagan nito, naaresto ng mga pulis ng parehong estasyon sina Arwin Sapad alyas Boss, 24, Bobby Bueno alyas Boko, 30 , Willy Balala, 35 at nasagip ang 3 lalaking menor de edad sa Brgy. Bagbag, bandang alas-9:45 ng gabi noong Miyerkoles sa G-9 Abey Road, Brgy. Bagbag, Novaliches. Nakuha mula sa mga ito ang 7 sachets ng shabu, drug paraphernalia at ang ginamit na buy bust money. PAULA ANTOLIN
Comments are closed.