BULACAN – ARESTADO ang 22 katao na kapwa sangkot sa iba’t ibang kaso sa police operations sa lalawigang ito.
Sa report na tinanggap ni PNP Regional Director PBGen. Joel Napoleon Coronel, unang nadakip ang walo katao na suspek sa pagbebenta ng droga sa bayan ng Baliwag, Bocaue, Guiguinto at Hagonoy Police Stations via buy-bust operations.
Kinilala ang mga nadakip na sina Erwin Peralta y Sales alyas Tobats, 34, Marvin Nicanor y Gayas alyas Papeng, 32, Samir Jose y Carlos, 27, Ingke Legaspi y Candel, 21, Jaime Alarcon y Villarin, 51, John Patrick Alarcon y Villarin, 25, Romeo Hilario y Agustin, 49, at Jayson Palomo y Pedrialba, 31-anyos.
Nakuha mula sa kanila ang 17 plastic sachets ng hinihinalang shabu, at 3 plastic sachets ng pinatuyong dahon ng marijuana.
Samantala, nadakip rin ng tracker teams ng Malolos, San Jose Del Monte, Bocaue at Baliwag Police Stations via manhunt operations ang apat na wanted persons na nakilalang sina Jennifer Centeno y Nicolas, 46, ng Brgy. Bulihan, City of Malolos, sa kasong estafa sa pamamagitan ng falsification of public document; Robert John Miel y Orbania, 31, ng Brgy. Sto. Cristo, CSJDM, na sangkot sa kasong paglabag sa Section 5 of R.A. 9262; Jose Joel Dela Cruz y Bautista, 47 ng Barangay Poblacion Bocaue, sa kasong grave threats malicious mischief and slight physical injuries; at Sidney Bustamante y Geronimo, 34-anyos, ng Brgy. Concepcion, Baliwag, na sabit din sa Section 5 of RA 9262 (Violence against Women and their Children).
Habang 10 katao naman na sangkot sa kasong ilegal na karera ng motorsiklo at alarm and scandal sa Brgy. Sta. Lucia, Angat ang kasalukuyang nakakulong sa Angat Municipal Jail. THONY ARCENAL
Comments are closed.