22 KINATAY NA ASO  NASABAT, MAY-ARI HULI

KINATAY NA ASO

ISABELA-UMAABOT sa mahigit sa 20 kinatay na aso ang nasabat ng Sta. Maria Police Station habang naka lulan ng isang kolong-kolong na may takip na trapal sa checkpoint sa Brgy. Naganakan.

Nakilala ang nag mamay-ari ng kolong-kolong na siya ring nagmamaneho nito na si Jay-ar Cancer, 24, may asawa, at residente ng Barangay San An-tonio.

Ayon kay Sr. Insp. Richard M. Manalo, hepe ng Sta. Maria Police Station, inamin ni Cancer, na matagal na umanong pinagkakakitaan ang pagkatay sa mga aso na dinadala niya sa kanyang mga parok­yano sa lalawigan ng Kalinga.

Inamin pa ni Cancer, na binibili niya sa mga barangay ang mga aso sa halaggang P600 pesos hanggang P700 pesos depende umano sa laki.

Dahil sa walang maipakitang dokumento mula sa Bureau of Animal Industry, ay sasampahan ang suspek ng kasong paglabag sa Rebublic Act. 8485 o Animal Weldare ACT of 1998, ay inaresto ito.

Sinabi pa ni Chief Insp. Richard Babaran, hepe ng Sta. Maria Police Station na matagal na nilang mino-monitor ang suspek hanggang makatanggap sila ng impormasyon sa isang concerned citizen na magdadala si Cancer ng mga pinatay at kinatay na aso sa lalawigan ng Kalinga. IRENE GONZALES

Comments are closed.