22 MANGINGISDA ISINELDA

selda

NAVOTAS CITY – ARES­TADO ang nasa 22 mangingisda matapos maaktuhan ng mga awtoridad na ilegal na nangingisda sa Barangay Tangos.

Ayon kay Navotas police chief P/Col. Rolando Balasabas, alas-7:50 ng umaga nang mamataan ng mga pulis at Bantay Dagat ang mga mangingisda na sakay isang fishing boat sa territorial water sa Brgy. Tangos South, ng lungsod.

Sinabi ni Col. Balasabas, nagpapatrolya sa karagatan ng Navotas ang mga pulis at Bantay Dagat nang maaktuhan ang naturang bangkang pangisda na ilegal na nangingisda gamit ang active fishing gear at fine mesh nest na kilala sa tawag na “Hulbot” at lubos na ipinagbabawal sa ilalim ng Administrative Order 246-1 series of 2018 of the Philippine Fisheries Code.

Ang representative ng local government ng Navotas na si City Agriculture Office head Yza­bela Bernandina Aranas-Nazel ang magsillbi bilang complainant kontra sa mga maarestong mangingisda. VICK TANES

Comments are closed.