(22 naghihintay ng repatriation) 32 PINOY NASA AFGHANISTAN PA

DFA

MAY 32 Pinoy ang nananatili sa Afghanistan, karamihan sa kanila ay humiling ng  repatriation, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Sa DFA Situation Bulletin na ipinalabas kahapon, sa 32 Pinoy sa Afghanistan, may 22 ang nag-request ng company o government repatriation makaraang sakupin ng Taliban forces ang Kabul.

Sa kasalukuyan ay walo ang ayaw magpa-repatriate sa kabila na isinailallm ang sitwasyon doon sa Alert Level 4 — ang pinakamataas na security warning na ipinagkakaloob ng pamahalaan— noong August 15.

Sa ilalim ng Alert Level 4, ang Philippine government ay nagsasagawa ng mandatory evacuation sa lahat ng Pilipino sa isang lugar.

Sa datos ng DFA, may 175 Filipinos na ang inilikas, kung saan 16 ang kasalukuyang nasa United Kingdom; 13 sa Oslo, Norway; isa sa  Almaty, Kazakhstan; at isa sa Kuwait.

“The Department of Foreign Affairs thanks all countries who continue to assist and cooperate with us in repatriating our citizens from Afghanistan. This help is essential in enabling our people to leave safely,” ayon sa DFA.

“All [ex]patriates, wherever they may be, who request to return to the Philippines, will be assisted,” dagdag pa ng ahensiya.

5 thoughts on “(22 naghihintay ng repatriation) 32 PINOY NASA AFGHANISTAN PA”

Comments are closed.