CAVITE- HINDI hadlang para sa mga Person Deprived of Liberty (PDL) na nasa pangangalaga ng Bacoor City Jail Male Dorm ang kanilang pagkakapiit upang maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.
Nasa 22 PDL ang kabilang sa Senior High School class session na pinangunahan ni G. Ceasar John Cruz, isang Subsidized Technical Education Program (STEP) mobile teacher.
Sa tulong mga kawani ng BJMP, layon nitong tulungan ang mga PDL na maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral habang nakapiit.
Umaasa ang tanggapan na makakatulong ito upang maging mabuting ehemplo ang mga PDL oras na muli silang makalaya at makabalik sa pamayanan. SID SAMANIEGO