(22 pulis positibo sa COVID-19) FACE SHIELD MANDATORY SA POLICE STATIONS

UMABOT na sa 22 bagong miyembro ng Philippine National Police (PNP) ang tinamaan ng COVID-19.

Base sa datos ng PNP Health Service, hanggang nitong Sabado,Enero 9 ay nasa 9,241 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Dahil dito, inutos ng PNP-ASCOTF ang mandatory quarantines sa lahat ng PNP personnel na walang suot na facemask at face shields na nagkaroon ng close contact sa mga nagpositibo sa COVID-19.

Gayundin, nagpalabas ng direktiba si PNP Chief Gen. Debold Sinas na ang lahat ng police personnel ay mahigpit na pinaalalahanan na magsuot ng face masks at face shields kahit pa sa nasa loob ng police stations at mga opisina kasabay ng pagpapatupad ng bagong guideline para malabanan ang pagkalat ng COVID-19 sa kanilang hanay.

Ayon kay Lt. Gen. Guillermo Lorenzo Elea­zar, PNP Deputy Chief for Administration at commander ng Administrative Support for COVID-19 Task Force (ASCOTF) na ang bagong guidelines ay nag-aatas ng agarang pag-quarantine sa lahat ng PNP personnel na may nakasalamuha o nagkaroon ng close contact sa kahit sinumang personnel na nagpositibo sa CO­VID-19.

Aniya, kailangang sumunod ang bawat PNP personnel sa pinaiiral na minimum health safety standard protocol kabilang na rito ang pagsusuot ng face mask at face shield, physical distancing at pag- iwas sa mass gathering.
VERLIN RUIZ

­

2 thoughts on “(22 pulis positibo sa COVID-19) FACE SHIELD MANDATORY SA POLICE STATIONS”

  1. 468640 547679Hmm is anyone else experiencing issues with the images on this weblog loading? Im trying to locate out if its a dilemma on my end or if it is the blog. Any feed-back would be greatly appreciated. 936223

  2. 130779 918403Nice post. I learn something a lot more challenging on different blogs everyday. It will always be stimulating to read content material from other writers and practice slightly something from their store. Id prefer to use some with the content on my blog whether you dont mind. Natually Ill give you a link on your internet weblog. Thanks for sharing. 879668

Leave a Reply

Your email address will not be published.