22 TRIPULANTE NALAMBAT NG MARITIME

mangingisda

MASBATE-WALANG kawala ang may 22 tripulante na lulan ng commercial fishing vessel na may pangalang Bherry-5 nang maaktuhan ng Maritime Police na ilegal na nangingisda sa karagatang sakop ng Jintotolo Island,Balud ng nasabing lalawigan.

Batay sa ulat ni Masbate Maritime Police Provincial Officer P/Capt.Arthel Galicia, nalambat ang nabanggit na dambuhalang barko sa layong 5.8 milya mula sa baybaying dagat ng Isla ng Jintotolo na kung saan ay matagal nang inirereklamo ng mga maliliit na mangingisda dahil sa patuloy na pagwasak nito ng corrals at mga lambat.

Ayon pa kay Galicia, kaagad na sinampahan nito ng kasong paglabag sa section 86(Unauthorized Fishing) at section 95(Use of active gear) ng RA 10654 as amended ng RA 8550 o Fishery Code of the Philippines ang kapitan ng barkong si Arthur Cayayan, tubong Estancia,Iloilo at mga kasamahan nitong tripulante.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Maritime Police ang Bherry-5 na isang uri ng barkong zipper o hulbot-hulbot na matagal nang ipinagbabawal ng gobyernong mangisda sa karagatan ng ating bansa. NORMAN LAURIO

Comments are closed.