INALIS ng Facebook ang 220 pages at 73 accounts, gayundin ang 29 Instagram accounts, dahil sa mga paglabag sa kanil-ang polisiya.
Inabisuhan na ng Facebook ang gobyerno ng Filipinas ukol sa hakbang nito dahil isa sa tinanggal na pages ay pag-aari ng isang media enterprise, at pina-follow ng 43 million accounts, karamihan sa mga ito ay mula sa Filipino community.
Ang tinanggal ng FB ay ang Twinmark Media Enterprises, isang digital marketing company, at ang lahat ng subsidiaries nito.
Ayon kay Nathaniel Gleicher, head ng Facebook Cybersecurity Policy, ang Twinmark Media ay paulit-ulit na nahuling lumala-bag sa kanilang spam policies, at nagmamanipula ng public information sa pamamagitan ng paggamit ng pekeng accounts at pagbe-benta ng administration access sa Facebook pages para lumaki ang kanilang kita.
“We have notified the Philippine government already regarding it, but we don’t recommend what the government should do. We’re more focused on removing the violating behavior from our platform,” ani Gleicher.
Sinimulan ng Facebook ang imbestigasyon noong November 2018, ng una nitong matukoy ang grupo na nagbebenta ng access sa kanilang Facebook pages.
Ilan sa pinaka-popular na pages ng Twinmark ang “Filipino Channel Online”, “Gorgeous Me”, “Unhappy”, “Text Message” at “TNP Media.”
Isang halimbawa ng paglabag ng Twinmark ang pagbabago ng pangalan ng FB pages matapos makakuha ng maraming follow-ers.
Ayon kay Gleicher, wala pang ginagawang hakbang ang Twinmark upang ma-contact ang Facebook hinggil sa isyu.
Napag-alaman na mahigit sa 20 organisasyon sa buong mundo ang tinanggal ng FB noong nakaraang taon.
“Our team is continuously looking for these types of behavior. And as we find these clusters, we will take them down,” dagdag ni Gleicher.