220 PINOY SA INDONESIA LIGTAS SA TSUNAMI

tsunami

As of 4pm kahapon, umabot na sa 168 ang nasawi sa nasabing trahedya habang nasa 600 ang sugatan.

Tiniyak naman ni Ambassador to Indonesia Leehiong Wee, ng National Disaster Management Authority, ligtas ang 220 mi­yembro ng Filipino member na nakabase sa nasabing bansa.

“No Filipino national was reported injured or dead from the tsunami incident that hit the shores of Indonesia on Saturday evening, ayon sa statement ng Department of Foreign Affairs (DFA).

“The Philippine Embassy in Jakarta reported that so far, none of the 220 members of the Filipino community in the area were among the fatalities or injured due to the tsunami,” ang isa pang anunsyo ng DFA.

Bukod sa nasabing pahayag, may komunikasyon din ang DFA sa mga Filipino sa bayan ng Banten at pina­yuhang maging maingat.

Una nang napaulat na natukoy agad na 43 katao ang nasawi habang nasa halos 600 ang sugatan matapos tumama ang tsunami sa Pandeglang, Serang at South Lampung noong Sabado ng gabi, ayon kay Sutopo Purwo Nugroho, head ng public relations ng Indonesia’s National Disaster Mitigation Agency.

Nasa 430 na mga bahay at siyam na mga hotel ang matinding nasira dahil sa kalamidad.

Bago ang tsunami ay na-detect pasado alas-9 ng gabi roon na sasabog ang bulkang Anak Krakatoa.

Ayon naman sa Indonesia Meteorological, Climatological and Geological Agency na ang sanhi ng tsunami ay kumbinasyon ng underwater landslides dahil sa volcanic eruption.

Iniimbestigahan na ng Indonesia’s geological agency ang sanhi ng tsunami.

Ang Anak Krakatoa ay isang maliit na volcanic island na naka-emerge sa dagat halos kalahating siglo na matapos ang Krakatoa’s deadly 1883 eruption.

Isa rin ang nasabing bulkan sa 127 na active volcanoes. EUNICE C.

Comments are closed.