2,203 ORDINANCE VIOLATORS NAITALA SA QC

QCPD

NAITALA ng Quezon City Police District (QCPD), sa ilalim ni Director, Chief Supt. Joselito Esquivel Jr., ang tinatayang 2,203 na lumabag sa ordinansa sa lungsod ng Quezon mula alas-5:00 ng umaga kamaka­lawa hanggang kahapon ng nasabing oras.

Ang La Loma Police Station (PS 1), sa ilalim ni PSupt. Robert Sales, ay nakapagtala ng 82 kataong lumabag sa ordinansang smoking in public plac-es, 13 roaming half-naked in public places, dalawa sa illegal parking at 28 sa jaywalking.

Habang ang Masambong Police Station sa ilalim ni Supt. Rodrigo Soriano ay nakapagtala naman ng dalawa dahil sa smoking in public places, dala-wa sa roaming half-naked in public places, 85 sa jaywalking, isa sa illegal barker at nailigtas naman ang anim na menor de edad sa paglabag sa discipline hours.

Nakapagtala naman ang Talipapa Police Station, sa ilalim ni PSupt. Alex Alberto, ng 13 na umiinom ng alak sa pampublikong lugar, 29 sa smoking in public places, 33 sa roaming half-naked in public places, 64 sa jaywalking, dalawa sa urinating in public places at nasagip ang  pitong kabataan na lumalabag sa discipline hours.

Sa Novaliches Police Station naman, sa pamumuno ni PSupt. Rossel Cejas, ay may naitalang 16 smoking in public places, isa sa roaming half-naked in public places at 273 dahil sa jaywalking.

Ang Fairview Police Station (PS 5) naman, sa ilalim ni PSupt. Benjamin Gabriel Jr., ay may naitalang 63 smoking in public places, isa sa roaming half-naked in public places, 77 sa jaywalking at nadakip ang dalawang kabataang lumalabag sa discipline hours.             PAULA ANTOLIN

Comments are closed.