220K TRABAHO LILIKHAIN NG P1.1-TRILLION INFRA BUDGET

JOBS

INILATAG ng administrasyong Duterte ang P1.1-Trillion infrastructure spending plan para sa 2021 sa harap ng pagsisikap ng pamahalaan na maibangon ang ekonomiya na hinambalos ng COVID-19 pandemic.

Ang spending plan ay nakapaloob sa panukalang P4.506-trillion national budget para sa susunod na taon na isinumite sa Kongreso.

“Because of its high multiplier effect on economic growth and output, infrastructure development is indispensable in reviving the Philippine economy during and after the COVID-19 pandemic,” pahayag ng Pangulo sa kanyang mensahe sa mga mambabatas.

Ayon kay Duterte, ang mga proyekto sa ilalim ng ‘Build, Build, Build’ program ay inaasahang lilikha ng 140,000 hanggang 220,000 karagdagang trabaho sa susunod na taon at magtutulak sa pribadong sektor na mag-invest sa manufacturing at iba pang construction activities.

Ang panukalang infrastructure budget para sa susunod na taon ay katumbas ng 5.4% ng gross domestic product (GDP) ng bansa, na mas mataas sa 4.6% (P976 billion) ngayong 2020.

“Our proposed infrastructure budget consists of shovel-ready projects on enhancing the delivery of health and essential services and improving the transportation and mobility of people and goods amid the pandemic,” sabi pa ni Duterte.

“These projects also aim to facilitate the transformation to a Philippine electronic government (e-government) to help our countrymen cope with the conditions of the post-pande­mic environment.”

Comments are closed.