KOMPIYANSA ang Philippine National Police (PNP) na sa Oktubre ay matatapos na ang pagbakuna kontra COVID-19 sa kanilang buong puwersa.
Sa datos, mayroong mahigit 222,000 tauhan ang PNP sa buong bansa kasama na ang mga non-uniformed personnel.
Ang pagtaya ay kasunod ng ulat ni PNP Deputy Chief for Administration at Administrative Support to COVID-19 Task Force (ASCOTF) commander, Lt. Gen. Joselito Vera Cruz na nasa 97% na sa kanilang personnel ang nabakunahan.
Nangangahulugan ito na nasa 3 percent na lang ang hindi pa nababakunahan habang hati pa ito sa mga ayaw magpabakuna at sa hindi maaaring bakunahan dahil sa may tamang rason gaya ng kondisyon sa kalusugan.
Sa record ng PNP Health Service, 171,259 personnel na ang fully vaccinated kontra COVID-19 habang 44,369 ng naturukan ng first dose. EUNICE CELARIO
329097 522819This web site is typically a walk-through you discover the info it suited you about it and didnt know who need to have to. Glimpse here, and youll surely discover it. 496514