UMAABOT na sa 223 na mga silid-aralan ang totally damaged o tuluyang nasira habang 415 ang partially damaged dahil sa epekto ng bagyong Krsitine sa bansa.
Ayon sa pahayag ni DepEd Secretary Sonny Angara, kabilang sa mga nasira ng bagyo ay mga school furniture at computers set na ang ilan ay hindi na maaaring pakinabangan pa.
Batay sa datos ng ahensiya, aabot sa higit 18.9 million na mga mag-aaral ang hindi pumasok sa nakalipas na ilang araw dahil sa sama ng panahon.
Ang bilang na ito ay kumakatawan sa mahigit 37,000 na mga paaralan.
Ginawa ng kalihim ang naturang pahayag sa ginanap na sidelines ng artificial intelligence conference sa University of the Philippines BGC campus.
Kaugnay nito, sumampa na sa P765 million ang initial infrastructure damage na naitala ng DepEd.
Sa naturang halaga, P557.5M nito ang kailangan i reconstruct habang P207.5 M ang kailangan ng major repairs dahil sa pinsalang natamo mula sa bagyo.
Gagamitin naman ng ahensya ang kanilang quick response fund and rehabilitation funds para sa pagsasaayos ng mga nasirang imprastraktura.
EVELYN GARCIA