INIULAT kahapon ng Department of Health (DOH) na nakapagtala pa sila ng 22,366 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Batay sa case bulletin no. 534 na inisyu ng DOH, nabatid na dahil sa mga bagong kaso ng sakit, umaabot na sa 1,976,202 ang total COVID-19 cases sa Pilipinas hanggang nitong Agosto 30, 2021.
Sa naturang total cases, 7.5% pa o 148,594 ang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman at maaari pang makahawa, kabilang dito ang 95.7% mild cases, 1.7% asymptomatic, 1.1% severe, 0.97% moderate, at 0.6% kritikal.
Mayroon namang 16,864 ang bagong gumaling mula sa karamdaman kaya’t umaabot na sa ngayon ang total COVID-19 recoveries sa bansa sa 1,794,278 o 90.8% ng total cases.
Samantala, mayroon pang 222 mga pasyenteng binawian ng buhay dahil sa karamdaman kaya’t sa kabuuan, umaabot na ngayon sa 33,330 ang total COVID-19 deaths sa bansa o 1.69% ng total cases.
Samantala, mayroon pa rin umanong 187 duplicates ang inalis ng DOH mula sa total case count, kabilang dito ang 174 recoveries at isang death.
Mayroon ding 105 kaso na unang tinukoy bilang recoveries ang malaunan ay natuklasang pumanaw na pala matapos ang pinal na balidasyon. Ana Rosario Hernandez
289258 649227I simply must let you know which you have written an outstanding and exclusive write-up that I truly enjoyed reading. Im fascinated by how well you laid out your material and presented your views. Thank you. 45480
612909 132816Now we know who the ssebnile one is here. Excellent post! 988895
111285 822440Real instructive and great anatomical structure of articles , now thats user pleasant (:. 272346