2,241 NANDEDMA SA CITY ORDINANCES NASITA

Chief-Supt-Esquivel-Jr

CAMP KARINGAL – TINATAYANG aabot sa 2,241 katao na lumabag sa city ordinance ang naaresto ng Quezon City Police District.

Sinabi ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Chief Supt. Joselito Esquivel Jr., kasama si National Capital Region Police Office (NCRPO) Director, Director Guillermo Lorenzo ­Eleazar, na ang operasyon ay may kaugnayan sa pagpapatuloy na anti-criminality and law enforcement operations (SACLEO) sa Quezon City.

Aniya, nagsimula bandang 12:00 ng tanghali ka­makalawa hanggang alas-12:00 ng tanghali kahapon ang lahat ng 13 drug enforcement units, anti-criminality operatives at 173 warrant/tracker teams kabilang ang administrative personnel mula sa district headquarters, district mobile force battalion at ang 12 stations sa operasyon.

Isang one-stop-shop type ang isinet-up sa court ng Camp ­Karingal.

Ayon sa ulat, aabot sa 202,545 city ordinance violators ang una munang binalaan, charged o pinagmulta mula pa noong June 13 hanggang ­October 9, 2018 na may ­kabuuang 178,562 na bina­laan at 23,103 ay nakasuhan sa korte.

Habang hinihintay ng mga  ito ang pag-iisyu ng ordinance violation receipts (OVR) o ­tickets, nagsagawa naman ang QCPD ng seminar sa mga nilabag na ordinansa ng mga ito at ang kalakip na penalties upang maging isang responsableng citizen at may good manners and right conduct (GMRC).

Sinabi rin ni Esquivel ang kahalagahan  ng  SACLEO  na: “Mas pagpapaigtingin pa natin ang ating anti-criminality operations na naglalayong mapanatili ang kapayapaan sa lungsod at higit sa lahat ay maihanda ang ­ating lugar sa nalalapit na midterm election upang sa muli ay magkaroon tayo ng isang mapayapang eleksiyon.”     PAULA ANTOLIN

Comments are closed.