225 FIRECRACKER ZONE SA REGION 3 INILABAS

CENTRAL LUZON- UPANG matiyak na wala nang masusugatan o madidisgrasya ay inilabas na ng PNP Region 3 ang bilang ng mga lugar na maaaring puntahan ng mga residenteng nais masaksihan ang pagsalubong sa taong 2023.

Ayon kay PRO3 Regional Director BGen.Cesar Pasiwen na sa kabuuan na 225 na firecracker zones sa Gitnang Luzon.
Base sa record ang mga lalawigan na may itinalagang firecracker zone ang Aurora- 16, Bataan -8, Bulacan -51, Nueva Ecija- 31, Pampanga -22, Tarlac- 60, Zambales- 37.

Habang may 88 fireworks display zones din sa Aurora- 4, Bataan -6, Bulacan -21, Nueva Ecija- 28, Pampanga -11, Tarlac- 8, Zambales- 8, Angeles City-2.

Kasunod nito, muling umapela sa publiko si Pasiwen na sumunod sa mga itinakdang alituntunin sa paggamit ng paputok sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Layon nito na matiyak na walang masasaktan sa pagpasok ng 2023. THONY ARCENAL