CENTRAL MINDANAO – MAHIGIT 200 miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang sinasanay ng militar para maging bahagi ng lilikhaing Joint Peace and Security Team (JPST).
Isang seremonya ang ginanap sa pagsasanay ng basic military training para sa paunang batch ng mga miyembro ng MILF- Bangsamoro Islamic Armed Forces (MILF-BIAF) sa probinsya ng Cotabato.
Ang 225 na MILF na dating mandirigma ay sumasailalim ng ngayon sa 26-araw na pagsasanay sa Division Training School ng 6th Infantry (Kampilan) Division sa Camp Lucero Carmen, North Cotabato.
Habang kasama naman sa composite group ang militar at pulisya.
Magkakaroon ng 200 JPSTs na binubuo ng 6,000 tauhan na nakatalaga upang tulungan ang mga pamayanan sa ilang bahagi ng Mindanao sa pagpapatupad ng Normalization Track ng Comprehensive Agreement sa Bangsamoro sa pagitan ng pamahalaan at ng MILF.
Dumalo sa ceremonial event sina Presidential Peace Adviser Carlito Galvez Jr.; at Ministro Abdulraof Macacua, Ministry of Environment, Natural, Resources and Energy; at ang kumakatawan sa BARMM na si Interim Chief Minister Alhaj Murad Ebrahim. EUNICE C.
Comments are closed.