226 STUDES NAIPIT SA LOCKDOWN PINAKAIN

OMSC

OCCIDENTAL MINDORO- PINAKAIN ng lokal na pamahalaan ng lalawigang ito ang 226 mag-aaral ng Occidental Mindoro State College (OMSC) na naabutan ng lockdown sa bayan ng San Jose.

Sa ulat ng OMSC Office of Student Affairs and Services, hindi nakauwi sa kani-kanilang mga bayan matapos i- deklara ni Pangulong Ro-drigo Duterte ang Luzon Wide Enhance Community Quarantine noong Marso 16.

Ang mga nabanggit na estudyante ay inabutan ng lockdown sa mga boarding houses.

Ang mga ito ay nagmula sa iba’t ibang bayan ng Occidental Mindoro, lalawigan ng Oriental Mindoro, Antique, at Northern Palawan.

Ayon kay OMSC President Dr. Marlyn G. Nielo, agad na kumilos ang kolehiyo at naghanda ng mga food packs para ipamahagi sa mga es-tudyanteng na stranded habang umiiral ang ECQ.

May 226 food packs na nagkakahalaga ng P3,500 kada isang estudyante ang naipamahagi ng OMSC.

Namahagi rin ng mga face mask sa mga front liner sa buong lalawigan ng Occidental Mindoro ang  OMSC Faculty Federation sa pakikipagtulungan ng SK Federation of Occidental Mindoro na siyang katuwang ng OMSC sa pagtahi at pamamahagi ng 1,863 face masks sa mga front liners.

Idinagdag pa ni Dr. Nielo na agad tumugon ang kolehiyo sa banta ng COVID-19 sa Occidental Mindoro State College Academic Community sa pamamagitan ng pagbuo ng   OMSC CRISIS MANAGEMENT TASK FORCE na nakikipagtulungan sa iba’t ibang LGUs sa Occidental Mindoro para siguraduhin ang kaligtasan ng humigit kumulang sa 12,000 libong mga estudyante nito at 700 mga faculty and staff sa 6 na campuses sa buong lalawigan ng Occidental Mindoro. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.