KINUMPIRMA ni Philippine National Police Spokesperson, Col Jean Fajardo na isinailalim na sa orientation ang 229 graduates ng PNP Academy upang maging bahagi ng eleksyon sa Mayo 9.
Ang mga nagtapos sa PNPA na tinawag na Alab-Kalis ay hahatin sa tatlong assigments.
Una ay sa Bureau of Jail Management and Penology, Bureau of Fire Protection at PNP.
“’Yung mga naka-graduate na mahigit 200 na police officers coming from the PNPA ay nakapag -orient na po at bibigyan po sila ng specific election duties para makapagdagdag po para sa mga personnel natin na magre-render ng election duties,” ayon kay Fajardo.
Bukod sa mga newly graduate sa PNPA, ikakalat din ang mga miyembro ng Civil Disturbance Management sa buong bansa para pigilan anman ang mga tensiyon na gawa ng mga naggigiriang kandidato.
“Maliban pa diyan (PNPA grads) ay ‘yung ating mga CDM ay idedeploy din natin nationwide to ensure na kung magkakaroon ng tensyon at iba pang mga security concern ay naka-ready for any disturbance matter po,” dagdag pa ni Fajardo. EUNICE CELARIO