NASA 2,291 ang panibagong kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa Filipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) araw ng Lunes, Oktubre 5, umabot na sa 324,762 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 45,799 ang aktibong kaso.
85.6 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 9.2 porsiyento ang asymptomatic; 1.6 porsiyento ang severe habang 3.6 porsiyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 64 ang napaulat na nasawi kaya umakyat na sa 5,840 ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 87 pa ang gumaling kaya umakyat na sa 273,123 ang total recoveries ng COVID-19 sa bansa.
Comments are closed.