22,934 RESIDENTE NG PASAY NAKATANGGAP NA NG BAKUNA

NASA kabuuang 22,934 indibidwal na kinabibilangan ng health workers, senior citizens at may comorbidities ang nakatanggap na ng u­nang bakuna ng Sinovac at AstraZeneza vaccines sa Pasay City.

Ayon kay Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano, ang Vacc to the Future vaccination program ng lokal na pamahalaan ay tinapos na sa pagbibigay ng unang dose ng bakuna sa mga nabanggit na indibidwal nitong Miyerkules.

Subalit, ipinagpatuloy naman kahapon ang pagbabakuna para naman sa ikalawang dose ng mga nauna nang indibidwal na naturukan ng Sinovac at AstraZeneca.

Nilinaw ng alkalde, ang pagsusupindi sa pagtuturok ng unang dose ng bakuna ay muling itutuloy depende sa availability na naturang vaccine dahil ang natitirang vaccines ay nakalaan para sa ikalawang pagtuturok sa mga nabigyan na lamang ng unang dose ng bakuna.

Gayunpaman,siniguro nito sa mga residente ng lungsod na agad na ibabalik ang unang dose ng pagbabakuna sa mga nasa kategoryang A2 at A3 kapag dumating na ang panibagong batch naturang vaccine sa lungsod.

Habang hinihintay pa ng lokal na pamahalaan ang pagdating ng bagong batch ng vaccines,patuloy naman ang pagbibigay ng bakuna sa mga frontline health workers, senior citizens at may comorbidities na nakatakdang tumanggap ng kanilang ikalawang dose ng vaccine. MARIVIC FERNANDEZ

8 thoughts on “22,934 RESIDENTE NG PASAY NAKATANGGAP NA NG BAKUNA”

  1. 615989 656969I cant say that I completely agree, but then again Ive never actually thought of it quite like that before. Thanks for giving me something to consider when Im supposed to have an empty mind even though trying to fall asleep tonight lol.. 276442

  2. 202793 158561Oh my goodness! an exceptional article dude. Thanks a good deal Even so Im experiencing difficulty with ur rss . Do not know why Struggle to register for it. Can there be any person discovering identical rss concern? Anyone who knows kindly respond. Thnkx 968210

Comments are closed.