SA ilalim ng Oplan Recovery ng Department of Health (DOH), umabot na sa 22,000 ang naitalang bagong gumaling sa COVID-19 kung kaya’t ang recoveries ay umakyat na sa 603,154.
Habang maliit lamang ang naitalang namatay sa sakit na nasa 11 lamang ngunit sa kabuuan ay nasa 13,170 na.
Kaugnay nito, muling nakapagtala ang DOH ng mataas na bilang ng bagong kaso ng COVID-19 sa ikatlong magka-kasunod na araw ngayong linggo.
Sa case update ng DOH kahapon, umabot sa 9,475 ang bagong kaso ng COVID-19 kaya ang kabuuan na ng infection ay nasa 721,892.
Batay pa rin sa case bulletin ng DOH, nasa 105,568 na ang aktibong mga kaso ngayon sa bansa.
At dahil sa patuloy pa rin ang pagtaas ng kaso ng COVID-19, pinapaalalahanan ng DOH ang lahat na kailangan ang sa-ma-samang aksiyon upang mapigilan ang tuluyang pagkalat ng virus.
Hiling din ng DOH na hanggat maari ay iwasan munang lumabas ng tahanan kung hindi naman kina-kailangan.
896399 18039Well worded post will be sharing this with my readers this evening 899529
70020 931597Very clean internet site , thanks for this post. 700525