22K PASYENTE PA GUMALING SA COVID-19

MAHIGIT  sa 22,000 mga pasyente pa ang iniulat ng Department of Health (DOH) na gumaling na mula sa COVID-19 hanggang araw ng Sabado, habang mayroon pa rin namang mahigit sa 11,000 bagong kaso ng sakit ang kanilang naitala sa bansa.

Batay sa inilabas na case bulletin #574, nabatid na nakapagtala pa ang DOH ng 11,010 bagong COVID-19 cases hanggang nitong Oktubre 9, 2021.

Sanhi nito, umaabot na ngayon sa 2,654,450 ang total COVID-19 cases sa Pilipinas.

Sa naturang kabuuang bilang, 106,558 o 4.0% ng total cases pa ang nananatiling aktibong kaso o nagpapagaling pa sa karamdaman, kabilang ang 76.3% ang mild cases, 13.9% ang asymptomatic, 5.64% ang moderate, 2.9% ang severe at 1.2% ang kritikal.

Mayroon namang 22,529 mga pasyente ang naitalang gumaling na mula sa virus sanhi upang umakyat na sa 2,508,387 ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 94.5% ng total cases.

Nakapagtala rin ang DOH ng 273 mga pasyenteng namatay dahil sa kumplikasyong dulot ng COVID-19, kaya’t umaabot na ngayon sa 39,505 ang total COVID-19 deaths sa bansa o 1.49% ng total cases.

Samantala, ayon pa sa DOH, mayroong 54 duplicates ang inalis nila mula sa total case count, kasama rito ang 39 recoveries.

Mayroong 162 kaso na unang na-tagged bilang recoveries ang malaunan ay natuklasang namatay na pala, sa pinal na balidasyon.

“All labs were operational on October 7, 2021 while 2 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Document Repository System (CDRS). Based on data in the last 14 days, the 2 non-reporting labs contribute, on average, 0.6% of samples tested and 0.2% of positive individuals,” anang DOH. Ana Rosario Hernandez

9 thoughts on “22K PASYENTE PA GUMALING SA COVID-19”

  1. 672215 966778Properly, that is wonderful, however consider further options weve got here? Could you mind submitting an additional article relating to them also? Several thanks! 591971

  2. 717791 956550An fascinating discussion might be valued at comment. I do believe that you basically write read much more about this subject, it may possibly not often be a taboo topic but normally persons are too few to dicuss on such topics. To a higher. Cheers 386575

  3. 483456 763021Wow, amazing weblog structure! How long have you been running a weblog for? you made running a weblog look effortless. The complete look of your website is magnificent, neatly as the content material! 785125

  4. 58711 372395Very good post. I just stumbled upon your blog and wanted to say that Ive truly enjoyed surfing around your weblog posts. Following all I is going to be subscribing to your feed and I hope you write once again really soon! 603025

Comments are closed.