23-ANYOS NA BEBOT NAGBIGTI

bigti

NAVOTAS CITY – ISANG 23-anyos na babae ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti makaraang magkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ng kanyang live-in partner sa lungsod na ito.

Kinilala ang biktima na si Shaira Mae Dela Cruz, 23, ng Blk. 29 Lot-42 A1 Phase-ll Brgy., NBBS, ng lungsod.

Sa ulat kay Navotas Police Chief P/Col. Rolando Balasabas, alas-2:30 ng hapon nang madiskubre ang biktima ng kanyang live-in partner sa loob ng kanilang kuwarto na nakabigti sa double deck gamit ang kumot.

Dahil wala ng buhay ang biktima ay hindi na ito dinala sa ospital at ipinaalam na lamang sa mga tauhan ng PCP-4 ang insidente na nires­pondehan nina PCpl. William Duca at PCpl. Ronnie Mansibang. EVELYN GARCIA

35 thoughts on “23-ANYOS NA BEBOT NAGBIGTI”

Comments are closed.