23 DRUG SUSPECT ARESTADO NG MGA TAUHAN NG QCPD

drug suspect

ARESTADO ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa ilalim ni Director, Police Chief Supt. Joselito Esquivel Jr., ang 23 drug suspects sa operasyon kontra ilegal na droga at  anti-criminality operations sa Quezon City.

Una na ritong inaresto ng mga tauhan ng La Loma Police Station (PS 1) sa pamunuan ni  PSupt Robert Sales sina Mary Grace Reala, 40, ng Caloocan City at Danilo Lumangaya, 40-anyos ng Sampaloc, Manila, matapos arestuhin bandang alas-12:30 ng ­umaga nitong Biyernes,  Nobyembre 30, sa kahabaan ng Amoranto corner Ipo St., Brgy. Salvacion.  Habang nagpapatrolya ang mga tauhan ni PSupt. Sales napansin ang mga suspek na may kahinahinalang hawak at nang sitahin ang mga ito at kapkapan at naki-taan ng hinihinakang pakete ng shabu.

Arestado rin si Raymond Lugto, 44, ng Brgy. San Antonio SFDM, at nasagip naman ang isang  16-taong gulang na lalaki bandang alas-8:00 ng gabi sa kahabaan ng Kalye Onse, Sitio San Roque, Brgy. Bagong-Pag-asa. Si Lugto ay naaktuhan na may hawak pa ng hinihinalang shabu habang ang dalawang pakete pa ay nakuha rin sa menor.

Arestado ng Novaliches Police Station (PS4) sa ilalim ni  PSupt Rossel Cejas matapos ikasa ang buy bust operation laban kina  June Domingo, 45, Eddie Boy Manaog, 30, Jerry Patricio, 45 at Paulo Rivera, 35, kapuwa mulas sa Novaliches, na inaresto naman bandang alas-6:15 ng hapon,  ­Nobyembre 29, sa  No. 19 Sta. Veronica St., Villareal, Brgy. Gulod, Novaliches.

Arestado rin ng mga tauhan ng PS4 si Ryan Paje, 24, Ricardo Honrado, 39, at ang suspek na si Eric Mongal, 22, kapuwa mula sa Novaliches, na naaresto naman bandang ala-1:00 ng umaga nito lamang  Nobyembre 30, 2018, sa nirerentang bahay ng suspek na pag-aari naman ni Paje sa kahabaan ng Guinintuang Landas, Sitio Aguardiante, Brgy. Sta Monica, Novaliches. Nakumpiska mula sa mga suspek ang anim na pakete ng hinihinalang shabu at ang buy bust money na ginamit sa operasyon. Si  Paje at Honrado ay kapwa kasama sa Brgy. Sta. Monica drug watchlist, habang si Mongal ay bagong nakilala lamang kontra sa ilegal na droga.  PAULA ANTOLIN

Comments are closed.