MAAARI nang makabili ng mas murang presyo ng bigas ng National Food Authority (NFA) sa accredited retailers.
Ipinahayag ng Department of Agriculture (DA) na ibebenta na lamang ang NFA rice sa mga accredited retailer sa halagang P23 kada kilo, o mas mura ng P2 kumpara sa dating P25 kada kilo.
Subalit sinabi ni Agriculture Secretary William Dar na maari pa rin namang ibenta ng mga retailer na ito ang naturang bigas sa halagang P27 kada kilo ngunit hindi na dapat lumagpas pa.
Iginiit ni Dar na mas maraming kikitain ang mga retailer sa pagbebenta ng NFA rice sa mas murang halaga.
Nabatid na makatutulong din ayon sa kalihim ang ganitong hakbang sa mabilis na paggalaw ng stock ng NFA ng kanilang bigas.
“Ang council ay nag-decide to reduce this price level to retailers from 25 to 23 para mas magaan, mas mabilis ‘yong paglabas ng mga imported rice stocks ng NFA and para may 4 pesos na margin sila at mas mabilis ‘yong pagbenta ng NFA rice,” pahayag ni Dar. BENEDICT ABAYGAR, JR.
Comments are closed.