23 SMUGGLED TARANTULA NASABAT NG CUSTOMS

NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) -Port of Ninoy Aquino International Airport ang tangkang wildlife smuggling ng 23 tarantulas sa Central Mail Exchange Center.

Ang parcel ay mula Hanoi,Vietnam at naka-consigned sa isang claimant sa Makati City kung saan idinekarang bilang “Snacks and other Foodstuffs.”

Gayunpaman, natuklasan sa eksaminasyon na mga tarantulas ang nilalaman ng mga plastic containers.

Agad naman itinurn-over sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang 23 tarantulas para sa monitoring at safekeeping.

Nilabag ng nasabing parcel ang Customs Modernization and Tariff Act, at Wildlife Resources Conservation and Protection Act. PAUL ROLDAN/ FROILAN MORALLOS