AGUSAN DEL SUR – UMABOT sa 23 katao kabilang ang isang menor ang naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Mines and Geosciences Bureau (MGB) Region 13 sa Purok 11, Sitio Away, Barangay San Andres, Bunawan.
Sinabi ni CIDG Acting Director BGen. Nicolas Torre III, ang pag-aresto sa mga suspek ay batay sa verified intelligence kaugnay sa patuloy na illegal mining activities sa lugar na kasama sa operasyon ang Regional Field Unit 13 (RFU 13), at Bunawan Municipal Police Station (MPS), at iba pang local authorities.
Nakumpiska ng awtoridad sa mga naaresto ang 35 sacks ng gold-bearing rock materials, percussion hammer, electric drill, drilling rod, cellophane wrappers containing ammonium nitrate fuel oil (ANFO), improvised explosives with ANFO, improvised electric detonators, blasting caps, at hammer.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 7942 (Philippine Mining Act of 1995) ang inihahanda ng pulisya laban sa mga ito.
Habang ang kustodya ng menor ay ipinasa sa Municipal Social Welfare and Development Office.
Patuloy na iniimbestigahan ng CIDG kung sino ang financier sa illegal mining.
“The CIDG remains steadfast in its mission to combat illegal mining and protect the nation’s natural heritage. We will continue to ensure that violators are held accountable. No holiday can hinder our dedication to bringing criminals to justice,” anang CIDG acting chief.
EUNICE CELARIO