MAYNILA – HALOS isumpa ng 230 pamilya ang magkapatid na nag-away na nagresulta sa pagkasunog ng kanilang tahanan sa Leveriza Street, Malate.
Sa sketchy report mula kay Manila Police District Special Mayor’s Reaction Team Chief, Maj. Rosalino Ybay, naganap ang sunog sa ikaapat na palapag ng isang residential building sa nasabing lugar alas-12:35 ng tanghali.
Naapula ang sunog ala-1:57 ng hapon habang inaresto ang person of interest na si Cocoy Soriano na nakita umanong nagsilab ng apoy.
Sinasabing sanhi ng away magkapatid ang naganap na sunog at dahil gawa sa light materials ang mga kabahayan doon ay lumawak ang apoy.
Labis na hinagpis naman ang nararamdaman ng mga nasunugan na nagpalipas ng gabi sa basketball court ng barangay habang ang iba ay nakisilong sa mga kaanak na hindi nadamay sa sunog. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM