2,300 LUMABAG SA GUN BAN

UMABOT na sa 2,300 ang lumabag sa election gun ban.

Iniulat ito ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Layon ng election gun ban na matiyak ang kaayusan at kapayapaan para sa nalalapit na halalan sa Mayo 9.

Sa Laging Handa public briefing, nagpaalala si DILG Undersecretary Epimaco Densing II sa publiko na huwag magdala ng baril kung walang exemption mula sa Commission on Elections (Comelec).

“Otherwise, kayo po’y huhulihin at ikukulong,” babala pa nito.

Sinimulan ang pagpapatupad ng election gun ban noong Enero 9 at tatagal hanggang Hunyo 8, 2022.