PUMALO na sa kabuuang 231 pulis ang positibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa pahayag ni Philippine National Police (PNP) Health Service Director Police BGen.Herminio Tadeo Jr., panibagong 17 pulis ang naitalang infected ng virus, araw ng Sabado.
Ang 17 mga pulis ay mula sa Pasig City, Rizal, Caloocan, Baguio City, Mandaluyong City, Taguig City, Parañaque City, Manila, Las Piñas, Quezon City at Caloocan City.
May 116 na mga pulis naman ang ginagamot ngayon sa mga quarantine facilities, pito ang naka- admit sa ospital at 35 ay naka-home quarantine.
Samantala, 67 naman sa 231 na pulis ang gumaling habang nanatili sa apat ang nasawi. PILIPINO MIRROR Reportorial Team
Comments are closed.