234 TAUHAN NG SPPF SUMAILALIM SA GUN SAFETY PROFICIENCY

OCCIDENTAL MINDORO- SUMAILALIM ang may kabuuang 234 na tauhan mula sa Sablayan Prison and Penal Farm (SPPF) sa Gun Safety and Proficiency na binubuo ng 188 indibidwal issued firearms at 46 indibidwal na walang issued firearms.

Pinangasiwaan ng Special Operation Group sa pangunguna ni CO3 Rowell De Gracia kabilang ang Quick Response Force (QRF) kung saan nais ni Director General, Gregorio Pio P Catapang Jr., AFP (Ret.), CESE, CCLH kasama si SPPF Superintendent Supt. Robert A Veneracion para mas maayos at responsableng paghawak ng baril.

Layon din ng naturang aktibidad ang i-refresh ang mga tauhan ng SPPF sa kaligtasan at paghawak ng baril gayundin ang pahusayin ang kanilang mga kasanayan sa paggamit nito upang matiyak na garantisadong ang inilabas na baril.

Kabilang din ang maikling lecture sa SPPF Personnel ang pangunahing prinsipyo ng kaligtasan at paghawak ng baril bago magpatuloy sa aktwal na paggamit ng mga baril.

Ang bawat kalahok ay kinakailangang gumamit ng tatlong uri ng baril katulad ng pistola, rifle at shotgun. PAULA ANTOLIN