CENTRAL VISAYAS–NADAGDAGAN pa ng 238 ang tinamaan ng COVID-19 mula sa tatlong lungsod at tatlong lalawigan.
Ang nasabing bilang ay nanggaling sa lalawigan ng Cebu City na may 108 dagdag na kaso ng COVID-19; 23 sa Lapu-Lapu City;16 sa Mandaue City;44 sa Cebu; 43 sa Negros Oriental at 4 sa Bohol.
Sa inilabas na datos ng DOH Central Visayas hanggang Enero 29 ay umabot na sa 28,339 ang confirmed COVID-19 cases sa nasabing probinsiya.
Nabatid na sa naturang bilang ay nasa 3,118 ang aktibo pang kaso.
Gayunpaman, umabot sa 106 ang bagong gumaling kung kaya’t 23,752 na ang COVID-19 recoveries.
Wala namang bagong napaulat na nasawi sa nasabing rehiyon.
Dahil dito, 1,469 pa rin ang bilang ng mga pumanaw sa Central Visayas bunsod pa rin ng COVID-19.
Comments are closed.