23K PULIS AALALAY SA BALIK-ESKWELA

AABOT sa 23,000 mga pulis ang ikakalat ng Philippine National Police (PNP) sa muling pagbubukas ng klase sa Lunes, Agosto 22

Ito ang kinumpirma ni PNP Spokespeson PCol. Jean Fajardo upang matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante at guro kung saan ay magsasagawa ng random checkpoint at regular na footpartrol sa bawat paaralan.

“Maglalagay rin tayo ng Police Assistance Desks to make sure na ‘yung ating mga estudyante, guro, mga magulang ay magkaroon ng semblance of security na makikita nila yung mga pulis na malapit sa mga eskuwelahan. In case there is a need to call for police assistance ay immediately makakaresponde yung ating mga pulis,” ayon kay Fajardo.

Ang National Capital Region Police Office (NCRPO), inatasan na ang kanilang mga district director na i-maximize ang deployment sa mga paaralan at unibesidad sa kanilang area of responsibility.

Ani NCRPO Director, Brig. Gen. Jonnel Estomo,
bukod sa anti-criminality, titiyakin din ng PNP na maipatutupad pa rin ang nga umiiral na health protocol.

Nakipag-ugnayan na rin ang PNP sa mga local government unit para sa augmentation at force multipliers na tututok sa pagsasaayos ng trapiko. EUNICE CELARIO