UMABOT na sa 24.6 milyon ang bilang ng mga estudyante na nakapag-enroll na para sa school year 2020-2021.
Sa inilabas na datos ng Department of Education (DepEd), tinatayang 24,633,586 o katumbas ito ng 88.70 porsiyento na ang bilang ng enrollees sa bansa.
Sa nasabing bilang, 22,444,560 mag-aaral ang nag-enroll sa mga pampublikong paaralan habang 2,136,264 milyon naman ang nasa private schools.
Gayundin, karamihan sa enrollees ay elementary students na nasa 11,825,621; 7,770,756 ang Junior High School at 2,827,026 sa Senior High School.
Nasa 1,747,614 naman ang mag-aaral na nag-enroll sa Kindergarten habang 390,703 sa Alternative Learning System at
71,866 naman ang learner with disabilities (non-graded) na nakapag-enroll.
Comments are closed.