24 ANAK NG OFWs ISKOLAR NG OWWA

OWWA

INANUNSIYO ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa Region 12 na mayroong bagong 24 dependents ng Overseas Filipino Workers (OFWs) ang iskolar para sa taong 2020-2021.

Kamakailan, nilagdaan ang Memorandum of Agreement (MOA) kaugnay sa scholarship na sinaksihan ng mga iskolar at magulang na pinangunahan ni OWWA-12 Director Marilou Sumalinog.

Anim sa mga ito ay makakatanggap ng P20,000 kada taon sa ilalim ng Dependents Scholarship Program habang ang tatlo ay P60,000 sa ilalim ng Education for Development Scholarship Program sa Tacurong, Sultan Kudarat.

Pinayuhan din ni Sumalinog ang mga iskolar na pagbutihin ang kanilang pag-aaral upang makamit ang kanilang tagumpay.

“Make your parents proud by pursuing your dream, and their dream for you to have a bright future,” saad ni Sumalinog.

Nabatid na mayroong 400 OWWA scholarship slots ang nakalaan para sa buong bansa at 24 dito ay naibigay na sa Sultan Kudarat Province. LIZA SORIANO

Comments are closed.