24 BARANGAYS APEKTADO NG ASF

ASF

ISABELA- UMAABOT na sa 24 na barangay ang apektado ng African Swine Fever (ASF)  makaraang maglutangan sa ilog at kanal ang mga patay na baboy sa Barangay Ganap ang Forest Region sa Cauayan City sa lalawigang ito kamakalawa.

Ipinag-utos na  ni Cauayan City Mayor Bernard Faustino La Madrid Dy na paigtingin ang pagbabantay sa mga checkpoint upang mapigil ang paglaganap ng ASF sa Isabela.

Nagpalabas na ng P5,000 na pondo ang lokal na sangay ng Department of Agriculture bilang ayuda sa apektadong hog raisers.

Samantala, sa bayan ng San Manuel ay may 12 barangay naman ang naapektuhan ng ASF dahil umabot na sa 800 baboy ang namatay.

Sa panig ni San Manuel Mayor Manuel Faustino, hindi pa sila nagsasagawa ng culling dahil hinihintay pa ang resulta ng blood test ng mga baboy.

Kasalukuyan, may mga patay na baboy ang nakikitang nakalutang sa mga irrigation canal sa bayan ng Ramon, Isabela at sa ilog ng Ilagan City na pinaniniwalaang namatay sa ASF. IRENE GONZALES

Comments are closed.