24 ENTRIES SOKPA SA WSC SEMIS

MAY  dalawampu’t apat pang entries ang pasok sa semi-finals ng 2022 World Slasher Cup 9-Cock Invitational Derby matapos mapagtagumpayan ang two-cock elimination rounds noong Martes ng gabi.

Nangunguna sa talaan sina Dennis Lumpay and Pablito Gregore, Rolly De Leon at Eddie Pontero, Jimmy Mariquit, Atty. Jan Villegas, RQP, Patrick Antonio, at Nene Araneta na nakapagtala ng tig-dalawang panalo at wala pa ring talo.

Aabante rin sa semi-finals sina Carlos Tumpalan, Delfin Gomez, Gov. Ito Ynares, Arjae Manez, Gov. Claude Bautista, Ropal Brothers/JP Pimentel, Mayor Elan Nagano, Robert Torres/Lowell Kaw, Doc Ayong Lorenzo, Gary Tubianosa/Jay Soria, Marco Sison/Doc Ran Bonavente/Jerry Quimot, Michael Benjo Nacion/Luis Alfaro, and Paul Romias/Dew Romias.

Samantala, nasa 26 entries ang nakatakdang magsagupa sa semi-finals ngayong gabi sa pangunguna nina Engr. Mark Anthony Acebedo, Jun Topacio and Padz Barr, Iking Araneta, Doc Eddie Boy Cheng, Patrick Antonio, at RQP, na may tig-dalawang panalo at wala pang talo.

Ang mananalo sa semi-finals ay aabante sa 4-cock pre-finals, at sa grand finals sa Marso 27 kung saan hihirangin ang bagong kampeon ng World Slasher Cup sa taong ito.

Ang WSC 2022 ay suportado ng Thunderbird, Emperador, Petron, Asiawide Negrense Construction Corporation, Tempo, at Pilipino Mirror.

Sa mga nais na masaksihan nang live ang nasabing derby sa Smart Araneta Coliseum ay maaari po silang bumili ng ticket sa Ticketnet o di kaya sa www.worldslashercup.ph