24 ESTUDYANTE NALASON SA SIOMAI

siomai

ISABELA – NAG-ALALA ang mga magulang ng 24 estudyante na isinugod sa tatlong magkakahiwalay na ospital dahil sa food poisoning sa Cauayan.

Ang mga biktima na kumain ng siomai ay mag-aaral ng Cauayan National High School (CNHS), Caua­yan City.

Nilapatan ng paunang lunas ang mga mag-aaral sa kanilang school clinic ngunit nang dumami na sila na nakaranas ng pagkahilo, pananakit ng tiyan, at pagsusuka, ay dinala na sila sa ospital.

Ayon kay Dr. John Mina, Principal ng Cauayan City CNHS na ipinatigil na nila ang pagbebenta ng siomai sa paaralan habang nagsasagawa sila ng imbestigasyon.

Sinubaybayan nila hanggang kagabi ang mga estudyante na nasa ospital para matiyak na maayos na ang kanilang kalagayan.

Samantala, sinabi ng estudyanteng si ‘Sofia’ na iba na ang lasa ng kinain nilang siomai.

Nakaranas siya ng pagkahilo, pagsusuka at pananakit ng tiyan, kasama ang iba pang mag-aaral sa Science class.

Handa naman ang may-ari ng tindahan ng siomai na sagutin ang gastusin ng mga nalasong biktima para hindi  mangam-ba ang kanilang mga magulang.   R.  VELASCO/I. GONZALES

Comments are closed.