(24 huli sa indiscriminate firing, 5 tinamaan ng ligaw na bala) 2 NASAWI, 822 SUGATAN SA PAGGAMIT NG PAPUTOK

NAGDAGDAGAN pa ang nasawi at nasugatan dahil sa paggamit ng ilegal na paputok sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Batay sa datos na hawak ng Camp Crame, ang dalawang nasawi ay mula sa Region 1 o Ilocos region habang ang isa ay mula sa Central Visayas.

Sa kabuuang, 822 indibidwal naman ang sugatan at 83 ang naaresto kung saan ang 10 ay mula sa Metro Manila; isa sa Region 1; lima sa Region 3; pinakamaraming naaresto ay sa Region4A na nasa 42; dalawa sa Region 5; 17 sa Region 8 at anim sa Region 9.

Naitala rin ang 1,409 kaso ng illegal possession/use/sale ng paputok habang nakakumpiska ang iba’t ibang yunit ng Philippine National Police (PNP) ng 600,130 illegal firecrackers.

Samantala, sumirit sa 24  pasaway ang inaresto ng PNP dahil sa 30 indiscriminate firing discharge of firearms kabilang ang apat na civilian mula sa Metro Manila; dalawa sa Region 2 kabilang ang isang personnel ng Armed Forces of the Philippines (AFP), isang sibilyan sa Region 3; 9 sa Region 4A na kinabibilangan ng ng pitong sibilyan, isang security guard at isang PNP personnel.

Tatlong sibilyan ang naaresto sa indiscriminate firing sa Region 6; tig-isa sa Region 7, Region 8, habang tauhan ng Bureau of Correction ang isang naaresto sa Region 9 at dalawang sibilyan at isang PNP personnel sa Region 10.

Pito naman na sangkot sa indiscriminate fi­ring ang patuloy na hinahanting ng PNP habang 17 armas ang nakumpiska.

Lima naman ang nasugatan sa ligaw na bala kabilang ang tatlong biktima mula sa Metro Manila at tig-isa sa Region 4A at Cordillera Administrative Region.

Labing apat naman ang kaso ng stray bullets o ligaw na bala  na ikinasugat ng walong katao kabilang ang tig- dalawang indibidwal mula sa Metro Manila at Region 9,  tig-isa sa Regions 3, 7, 11 at CAR.

EUNICE CELARIO