24 KATAO HULI SA MAGDAMAG NA POLICE OPERATIONS

RIZAL – BATAY sa direktiba ni Rizal Provincial Office Director, PCol. Felipe B. Maraggun na paigtingin ang operasyon laban sa kriminalidad, 24 katao ang naaresto sa unang araw ng isinagawang Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operations (SACLEO) sa magdamag na operasyon sa lalawigan.

Ang kapulisan ng Rizal ay nagsagawa ng iba’t ibang operasyon para paigtingin ang kampanya laban sa iligal na droga, loose firearms, wanted persons at illegal gambling.

Sa kampanya laban sa iligal na droga, nagsagawa ang kapulisan ng Rizal ng siyam na operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto ng sampung (10 )mga suspek.

Kumpiskado sa mga ito ang 22.37 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang tinnatayang aabot sa P152,116.00.

Samantala sa loose firearms naman ay nakapagkumpiska ng dalawa at isa ang naaresto.

Gayundin sa manhunt operations, walo ang isinagawang operasyon na nagresulta naman sa pagkakaresto ng 1 Regional Level Most Wanted Person, 1 Provincial Level Most Wanted Person at 6 na kabilang sa Other Wanted Person.

Habang ang kampanya laban sa iligal na sugal ay nakapagtala ng tatlong operasyon na nagresulta sa pagkakadakip ng lima katao at pagkakakumpiska ng halagang P1,235.00 bet money.

Ang mga naarestong suspek ay nasa himpilan ng bawat lugar na nakakasakop sa kanila habang inihahanda ang dokumentasyon sa mga reklamong kanilang kakaharapin.

Ayon kay Maraggun “Pinupuri ko ang buong Rizal Police Provincial Office sa kampanya laban sa lahat ng uri ng kriminalidad, patuloy ang inyo pong kapulisan sa hangarin na mas maging maayos ang lalawigan ng Rizal. ELMA MORALES