ISINAILALIM sa lockdown ang Navotas City Hall matapos magpositibo sa COVID-19 ang 24 kawani nito.
Ayon sa City Epidemiology and Surveillance Unit, kabilang sa naka-lockdown ang Navotas City Hall Annex (kasama ang NavoServe) at Franchising Permits Processing Unit na nagsimula nitong Pebrero 23 ng 8:01PM hanggang sa Linggo, Pebrero 28 ng 11:59PM.
Dahil dito, wala munang transaksyon sa City hall tulad ng application/renewal ng business permit at pagbabayad ng amilyar, pati na ang pagkuha ng plaka ng mga tricycle at PUJ.
Gayunpaman, may mga papasok pa rin na kawani para lamang ayusin ang suweldo ng mga empleyado, gawin ang mga proseso para sa pagbili ng mga kailangan sa COVID-19 response at pag-responde sa anumang emergency.
Inihayag ng pamahalaang lungsod na mga may babayaran na ang deadline ay sa Pebrero 28, posibleng magpasa ang Sanggunian na ordinansa ng extension ng pagbabayad hanggang Marso 5 nang walang penalty at surcharge. EVELYN GARCIA VICK TANES
Comments are closed.