LUMOBO sa 5,392 ang bilang ng mga Pinoy sa ibang bansa na nahawaan ng COVID-19 sa pagtala ng 24 karagdagang kaso, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Samantala, anim pang Pinoy ang gumaling sa sakit upang umakyat sa 2,231 ang kabuuang bilang ng recoveries abroad, habang ang mga pasyenteng ginagamot ay nasa 2,791.
Umakyat din ang death toll sa 370 makaraang may madagdag na pitong nasawi.
Ang Middle East/Africa ay nananatiling may pinakamaraming Pinoy na positibo sa COVID-19 na may 3,367 kaso, kabilang ang 125 deaths, 1,327 recoveries at 1,915 na ginagamot.
Sumusunod ang Europe na may 843 pasyente, kabilang ang 91 nasawi, 293 gumaling at 459 ginagamot.
Sa Americas ay may kabuuang 661 Pinoy ang infected ng virus, kabilang ang 152 nasawi, 244 gumaling at 265 na ginagamot.
Comments are closed.