BULACAN – DALAWAMPU’T APAT katao ang nasawi, 34 ang nahuli habang 600 loose firearms ang nasabat sa mga checkpoints sa 33,932 police operations sa Central Luzon.
Sa ulat na nakarating sa PILIPINO Mirror, ang nasabing operasyon ng Central Luzon Police ay nagsimula nang ipatupad ang election gun ban kasabay ng kampanya para sa national position noong Enero 13.
Sa report na tinanggap ni Police B/GEN Joel Napoleon Coronel, ang pagkakakumpiska ay resulta ng tuloy-tuloy na kampanya ng pulisya kontra sa mga lose firearms.
Aniya, resulta ito ng 33,923 police checkpoints sa 574 firearms kabilang dito ang 148 pistols, 277 revolvers, 25 rifles, 16 shot-guns, 85 sumpak, o improvised gun, at paltik; 23 replicas, 3,568 assorted deadly weapons at 3,437 assorted ammunition.
Kung saan 34 suspek ang nadakip habang 24 ang naitalang napatay sa operasyon. THONY ARCENAL