245 NEW RECOVERIES SA COVID-19

DOH

INIULAT ng Department of Health (DOH) na umakyat na sa 371,630 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases ang naitala sa bansa.

Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health ng 1,607 na bagong kaso ng COVID-19.

Kabilang naman sa mga lalawigan at lungsod na nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng virus infection ay ang Davao City na may 90 new cases, Cavite na may 88 new cases, Rizal na may 74 new cases, habang kapwa naman may 68 new cases ang Negros Occidental at Quezon.

May naitala namang 245 na bagong gumaling sa COVID-19 ang DOH.

Dahil rito, umabot na sa 328 258 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa virus.

Ma 62 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Dahil rito, umabot na ngayon sa 7, 058 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.                 ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.